Umpisa nanaman ng pasukan sa mga eskwelahan. Bukas mag-s-start na nang school year 2008-2009 sa CLSU. Marami nanamang mga bagong tao, bagong pakikibaka, bagong simulain.
Para sa akin, bukas ay isang pagpapaalam sa mga taong tumulong, sumuporta at nakasalamuha. Hindi naman sa dahilan na ako ay aalis. Ito ay sa dahilan na ititigil ko na ang serbisyo ng Ardee's Computer Shop.
Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!
Tatlong taon ko din itong itinaguyod. Tatlong taon din akong binigyan ng sakit sa ulo. Pero kahit papaano, ang mga sakit sa ulo na iyon ay nagbigay ng ibang pananaw sa akin. At kahit papaano ay pinagana ang mga brain cells ko na walang ginawa kundi tumanga. Tatlong taon din akong binigyan ng suporta sa pambili ng alak at panggala. He he he! Tatlong taon din akong hinihingan ng sponsorship ng mga acivities ng IMPACT, pero ok lang at masaya naman. Talong taon din na minomolestya ng mga brod ko ang aking butihing bantay na si Wilma. Si Wilma na walang malay. Si Wilma na walang alam na patugtugin sa shop kundi ang mga Christian Songs. Si Wilma na walang ginawa kundi magpipindot ng keyboard sa sobrang dami na tanggap na typing, na pwedeng isali sa Guiness World of Records kasi nakaka 150 words per minute ata sya. Si Wilma na pag walang ginagawa ay suma-sideline sa tapat na pwesto, kay tita Glo. Dun sha nagtutuhog-tuhog ng kung anu-anong klase ng beads. Sana makahanap ka agad ng magandang trabaho. Sana kunin ka na ng boypren mo sa YM na palagi mong ka-chat. Ahe he he he!
At sa lahat ng estudyante ng CLSU, salamat. Salamat sa palagi ninyong paglalagay ng virus sa mga PC. Dahil sa virus kaya bumabagal ang PC. He he! Kung may mga kelangan pa kayo na files na naka-save sa mga PC, wag na kayong umasa pa na makuha at naformat ko na. Peace!
At sa lahat ng estudyante ng CLSU, salamat. Salamat sa palagi ninyong paglalagay ng virus sa mga PC. Dahil sa virus kaya bumabagal ang PC. He he! Kung may mga kelangan pa kayo na files na naka-save sa mga PC, wag na kayong umasa pa na makuha at naformat ko na. Peace!






