Sunday, March 23, 2008

"SCT Expressway"

7:15 am... Kumakatok sa pinto ng kwarto ko ang aking nanay. I-dial ko daw ang number ng cell nya kasi nawawala, hindi makita. Dial... "The subscriber's can not be reached. Please try again later" at sumunod na ang tone na "ti-ni-niiiing... ti-ni-ning...." he he he! Ang suspetsa, nahulog mula sa tricycle ng umuwi kami galing sa farm, mga 3am nun. Sa backride kasi sumakay kaya malamang nahulog nga. Panik agad ang nanay ko dahil baka may gumamit daw at lumaki ang bill. Tumawag daw ako agad sa customer service para i-pa-hold ung account. Kako naman sa nanay ko "can not be reached na nga paano pa magagamit un?" Sorry na lang sa nanay ko at mainit ang ulo dahil bitin sa tulog.

Mga 1 hr din siguro akong hindi nakatulog kaya bumangon na lang ako at gumayak. Tutungo kasi kami sa Subic para umattend ng binyag. Excited ako kasi soft opening ng bagong gawa na expressway, ang Subic-Clark-Tarlac Expressway. Oo, ang babaw ng kaligayahan ko. He he he! 9:30 am na kami ng umalis dito sa Muñoz, Nueva Ecija. Dumating kami sa Dolores Exit ng SCTEx mga 11:30 na. From there mga 55 km. na lang ang biyahe hanggang sa Tipo/Subic Exit. Average of 30 mins. ang travel. Mas malapit nga kesa sa lumang daan, which is sa San Fernando Exit. 1 hr. siguro ang naibawas sa pagbiyahe papuntang Subic. Ang tanging napansin ko lang sa SCTEx ay wala gaanong rest area o kaya mga emergency bay katulad ng nasa NLEx. Siguro ihahabol pa un sa opening sa April 21. He he. Tapos sobrang liblib kasi halos puro bundok na giniba ang daan. Mas maganda siguro na may ka-convoy kapag pupunta ka ng Subic para mas safe. Para kapag nahulog kayo sa tulay, may kasunod sa inyo na mahuhulog. Aha ha ha!

At magkano naman kaya ang magiging toll fee nila? Mas mahal kaya sa NLEx/SkyWay?

Anyway, nang pauwi na kami ay dumaan kami sa Cabanatuan para kumuha ng panibagong sim ng nanay ko. Same number pero wala na ung mga contacts. He he!




Read More...

Saturday, March 22, 2008

"Sabado de Gloria"

After 5 years of spending Holy Week in different places, eto sa CLSU ang bagsak ko ngayon kasama ko ang mga brod at sis na hindi umuwi sa mga bundok nila. Medyo busy na din kasi ang mga kasama ko sa pag-gala. At isa pa may trabaho ako ngayong gabi sa farm kaya hindi talaga pwedeng lumayo. Eto napagtripan na lang namin na tumambay sa Sunflower Farm sa CLSU na may dalang tinapay at ice cream na pampalaman. At bago kami nagpunta dun, nakita namin ang mga alumni ng IMPACT sa park. Akala nga namin may nakiki-park sa park namin, yun pala mga brod at sis. Doon lang din sila nagkita-kita after a looooong time. At sa di sinasadyang pagkakataon, eh tinapay at ice cream din ang dala nilang baon. Saya nga eh, parang anniv. Actually ung mga dumalaw sa park eh yun ung mga hindi umattend ng 20th anniv ng IMPACT. Biro ko pa nga sa kanila na nagsama-sama ung mga hindi umattend. Anyway, masaya ako at nakita ko sila at may mga hatak-hatak pang anak.







Top L-R: Sir Reeds, Orlie, Art, Haidee, at ako
Bottom L-R: Brod Francis, Sis Criselle, Sis Irene, Sis May, Sis Elma,
Sis Pia Gracia, Syano, Brod Ric Honey with their kids

Read More...

Friday, March 21, 2008

"Summer"

Summer na naman. Ramdam na ang init. Nag-uumpisa na rin mag-lagas ang mga dahon ng mga puno. At sa sobrang dami ng puno, ang daming dumi sa park. Kaya walis walis muna. He he!





Read More...

Thursday, March 13, 2008

"Abecedarian"


Recently, I am trying to shift playing badminton into tennis. Wala lang. Wala lang akong pambayad ng court panglaro sa badminton. Masyadong magastos. He he. Kapag tennis, libre ang court sa CLSU. Una-unahan lang. Magtext lang ng kalaro at ok na. Kapag weekdays wala gaanong naglalaro. Kahit maghapon kang mag-laro pwedeng pwede. 'Di pa gaano kelangan ng bagong bola hindi katulad sa badminton palaging nagpapalit ng shuttle. Kapag sini-swerte may mapupulot ka pang bola. Aha ha ha. Nakakadalawa na nga kami.

Read More...