Tuesday, May 26, 2009

"Workshop - In Your Eyes"

Last weekend, May 23-24, me and my friend Syano attended the "In Your Eyes - Digital Photography Workshop" at Microtel Cabanatuan. Mr. Mike Lawan (of MikeLens), Dr. Haines Monjardin and Engr. Ameer Lawan are the speakers for the said workshop.

The 2-day overnight stay for two at the hotel for only 2000php is really a bargain. Three meals are included plus the superb prizes from the sponsors - trip to Boracay for two (where they will stay at Microtel Boracay) for the first place and the other prize is a Samsung digital camera - all from Microtel and Sea Air. Plus pizzas and beer during the acoustic night beside the swimming pool courtesy of Pizza Hut. Saan ka pa?!

Aside from learning the right combination of shutter speed-aperture-ISO and the rule of thirds, meeting with other photo enthusiast is another thing. And since the is no existing camera club in Nueva Ecija, we all agreed to put one... soon!

So all Novo Ecijano's who have the passion in photography, watch out for this.



During the workshop.

Mr. Mike Lawan of MikeLens

Dr. Haines Monjardin

Engr. Ameer Lawan and Mr. Mike Lawan - Father and son tandem.

Mr. Lawan teaching the techniques
to my fellow photographers Kuya Jay and Kuya Obet.


Our outputs. May natutunan kaya?

My entry - 8th place out of 25 entries. Not bad for me.

Microtel's Choice
This is Syano's entry which won him a gift certificate, an over night stay at Microtel Cabanatuan.






Read More...

Wednesday, April 15, 2009

"Ilocos Trip 2009"

Bago mag Holy Week, napag-usapan na sa Ilocos ang punta namin. May mga bagong kasama galing Manila. Hindi na rin daw bago sa kanila ang Ilocos pero hindi pa nila nararating ang Pagudpud.

April 9 - Ito ang araw na pagpunta namin sa Ilocos. Nasa 25 na katao kami. 4 na sasakyan. Dalawang grupo. 2:00 am ang sinabi ko na alis namin sa San Jose City. 2:30 na kami nakaalis. Ang first stop namin, sa Baluarte sa Vigan. 7:00 am. Doon na kami nag-breakfast. Dahil sa sarado pa ang Baluarte, tinuloy na ulit ang byahe. 12:00 nn na kami dumating sa aming destinasyon, sa Pannzian Resort sa Pagudpud. Maganda naman ang resort. Kaso hindi yun ang tipo na beach ang ini-expect namin. Black sand ang beach front. Pero recommended ko ang resort for team building, kasi maluwang ang beach front at maraming activities ang pwedeng gawin.

Konting pahinga lang after mag-lunch, nagpunta na kami sa ibang beach, sa Blue Lagoon. Medyo nag-uulan pa sa araw ng iyon. Tamang-tama para mag pahinga mula sa 10 oras na byahe. Maganda ang beach front. May potensyal na dadayuhin ng mga turista. Isa lang kasi ang resort doon, ang Hannah's Resort na puno na for accomodation. Hindi kami nagtagal doon. Dahil nagpunta na kami sa bayan ng Pagudpud para mamili ng mailuluto. Ang ilan sa mga kasama namin lang naiwan para magtampisaw.

Pagkatapos mamili, naghanap na kami ng pwedeng matutuluyan sa Saud Beach, ang pinaka-main tourist destination sa Pagudpud. Nakapag-book naman kami kaagad sa Terra Rika Resort, kaya makakalipat kami the next day.

Binalikan na namin ang mga kasama namin na naghihintay sa may Blue Lagoon. Ibig na raw nilang bumalik sa resort kahit wala kami kahit maglakad sila ng malayo. He he. Doon na kami nagluto ng hapunan. Dahil sa lakas ng hangin at umaambon pa, sa loob ng tent ni Billy na kami nagluto. Ang masama pa, may niluto kami na tuyo! Ha ha!

Kinabukasan ay nagpunta na kami sa Saud, April 10. Doon na ako nakapaligo sa dagat kahit na malakas ang alon. May nakita pa kami na nagprapraktis para sa Bikini Open kinabukasan ng gabi. Balak nga namin isali ulit si Billy, na nanalo na rin dito noong 2006. Kaso inamin din nya sa mga organizer na nanalo na sya. Kaya ayun, imbes na mag-stay pa kami ng isang gabi doon ay hindi na natuloy at sa Vigan na napag-usapan na matulog sa susunod na gabi.

Alas-dose ng tanghali, April 11, ay nakaayos na kami ng mga gamit. Kakain na lang ng tanghalian. Puno ang Casablanca Resto sa may hotel namin kaya sa napagpasyahan sa katabing resto na lang, ang La Helen Resto sa may Apo Idon Resort. Nag-order na kami ng trip na makakain. 30 mins. wala pa ang pagkain. 3 Coke in can pa lang ang meron. 60 mins. wala pa. 90 mins. wala pa talaga at gutom na gutom na ang lahat. Nag-iinit na ang ulo. Naghanap ang isang kasama ko, si Shiela, ng manager. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng resto na walang manager. Napagpasyahan kong tumayo at magpunta na sa sasakyan. Pinaandar ang makina. Ang mga kasama ko? Ayun pina-cancel ang order sumunod sa akin at umalis na kami. In short umalis kami doon na maiinit ang ulo. Ang option? Maghanap ng karinderia o turo-turo o kahit ano basta fast food. Nakakita naman kame bago makarating sa bayan ng Pagudpud. Pinakyaw ang lahat ng tindang ulam. Sa amin ang kanin dahil hindi nagalaw ang niluto para sa umagahan. At may dessert pa na halo-halo.

Gabi na kaming dumating sa Vigan. Habang naghahanap ng matutuluyan ay naglakad-lakad kami sa Heritage Site. Mas lalo kong na appreciate ang kagandahan ng mga bahay na bato sa gabi. Parang ibinalik ka sa lumang panahon. Sa Green R Hotel kami tumuloy at sa isang simpleng kainan kami nag-dinner. Syempre hindi nawala ang longanisa. Iba talaga ang lasa.

Kinaumagahan, April 12, sa Baluarte ang una naming pinuntahan. Doon naming binalak mag-breakfast. Kaso nabigo ang lahat. Walang makita na nagtitinda na pwedeng umagahan kahit goto man lang. So nag-enjoy na lang ang mga kasama ko sa paglalakad sa loob ng Baluarte. Isinantabi muna ang gutom. Nang mag-sawa na ang lahat ay naghanap na kami ng makakainan. At sa may mga nagtitinda ng okoy at empanada na kami nag-brunch na malapit sa Vigan Chruch. Syempre hindi ko pinalagpas na matikman ang "sinanglaw".

After that, tinahak na namin ang Nueva Ecija. Pauwi.


Eto ang mga ebidensya.


Read More...

"Histopathologic Diagnosis"

Last April 13, pagkagising ko, may nag text sa akin. Unlisted sa aking phonebook ang number. Dumating na daw ang Histopath ko. Galing pala yung text sa secretary ng ENT-Surgeon ko. Ewan ko, pero wala akong naramdamang kaba. Dahil sa sobrang pagod ko galing sa byahe sa Ilocos, natulog lang ako ulit. He he.

Ngayon hawak ko na ang resulta.

At eto ang nakasaad sa diagnosis:

HISTOPATHOLOGIC DIAGNOSIS: Maxillary mass; Culdwell-Luc operation

- BENIGN NASOPPALATINE CYST


... No malignant cells are seen.



Sa wakas. Mapapanatag na ang loob ng sangkatauhan. Lalo na ang nanay ko. Salamat po sa Makapangyarihang Diyos.



Read More...

Monday, March 23, 2009

"Bolinao"

March of last year ang pinakahuli kong punta sa Brgy. Patar, Bolinao, Pangasinan. Since summer nanaman, pinatulan ko ulet ang mga paanyaya sa akin na pumunta sa Bolinao nitong weekend para naman din makapag-pahinga ako mula sa aking operasyon. Kahit na wala akong driver o karelyebo man lang sa pag-drive eh pinatulan ko na ang 5 hrs driving mula Science City of Munoz, Nueva Ecija hanggang sa Bolinao. First time ko na minaneho papunta doon. Dati kasi yung kaibigan kong si Jason ang nagmamaneho. Kaso nangibang bansa na siya. (Umuwi ka na balat! Mag Pagudpud na tayo!)

Ang dami nang pinagbago sa Patar. Almost 2/3 of the road is already in concrete. Nag-improve na din ang mga resorts. Parang kabute kung dumami. May additional rooms na ang Treasures of Bolinao na kitang kita mula sa may lighthouse sa laki ng building. Pati ang public beach (Patar beach) ang daming pinagbago. Dati halos walang nakatayo na cottage for rent, ngayon ay kaliwa't kanan na may videoke pa! Magsasawa ka rin sa mga cave na pwedeng puntahan at 'yon pa ang hindi ko pa nagagawa sa Bolinao at dahil doon, may rason pa ako para bumalik.










Read More...

Monday, March 16, 2009

"Operasyon"

I just got back from a three day vacation at the Nueva Ecija Doctors Hospital.

Bakit?

Late last year kasi medyo sumasakit ang aking right sinus. Madalas ito kapag may sipon ako. Then my right maxillary sinus is getting bigger each time I have colds.

So, in short, it is getting worse na!

I went to a doctor, had my sinus examined.

After a few days, I scheduled my operation.


At eto na nga ang resulta!







The operation was a success!

Sa friday ko pa malalaman kung ano resulta ng biopsy.

Kaso hanggang ngayon namamaga pa ang aking mukha at malapit na ang summer. Sana gumaling na agad.

And I would like to thank all the people who prayed for me, for the success of my operation.

Read More...

Friday, July 25, 2008

"Update: The New 7 Wonders of Nature"

Ranking Update:





Visit New 7 Wonders of Nature and cast your vote!... win =)


or visit http://www.new7wonders.com/ for more info.

Read More...

Friday, July 4, 2008

"Enzo"

Dokyumentasyon ng pagsilang ng aking pamangkin...








Christien Enzo A. Nerona
July 3, 2008

Read More...

Sunday, June 1, 2008

"Pagbubukas/Pagpapaalam"

Umpisa nanaman ng pasukan sa mga eskwelahan. Bukas mag-s-start na nang school year 2008-2009 sa CLSU. Marami nanamang mga bagong tao, bagong pakikibaka, bagong simulain.

Para sa akin, bukas ay isang pagpapaalam sa mga taong tumulong, sumuporta at nakasalamuha. Hindi naman sa dahilan na ako ay aalis. Ito ay sa dahilan na ititigil ko na ang serbisyo ng Ardee's Computer Shop.

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!


Tatlong taon ko din itong itinaguyod. Tatlong taon din akong binigyan ng sakit sa ulo. Pero kahit papaano, ang mga sakit sa ulo na iyon ay nagbigay ng ibang pananaw sa akin. At kahit papaano ay pinagana ang mga brain cells ko na walang ginawa kundi tumanga. Tatlong taon din akong binigyan ng suporta sa pambili ng alak at panggala. He he he! Tatlong taon din akong hinihingan ng sponsorship ng mga acivities ng IMPACT, pero ok lang at masaya naman. Talong taon din na minomolestya ng mga brod ko ang aking butihing bantay na si Wilma. Si Wilma na walang malay. Si Wilma na walang alam na patugtugin sa shop kundi ang mga Christian Songs. Si Wilma na walang ginawa kundi magpipindot ng keyboard sa sobrang dami na tanggap na typing, na pwedeng isali sa Guiness World of Records kasi nakaka 150 words per minute ata sya. Si Wilma na pag walang ginagawa ay suma-sideline sa tapat na pwesto, kay tita Glo. Dun sha nagtutuhog-tuhog ng kung anu-anong klase ng beads. Sana makahanap ka agad ng magandang trabaho. Sana kunin ka na ng boypren mo sa YM na palagi mong ka-chat. Ahe he he he!

At sa lahat ng estudyante ng CLSU, salamat. Salamat sa palagi ninyong paglalagay ng virus sa mga PC. Dahil sa virus kaya bumabagal ang PC. He he! Kung may mga kelangan pa kayo na files na naka-save sa mga PC, wag na kayong umasa pa na makuha at naformat ko na. Peace!

Read More...

Thursday, May 8, 2008

"DAYO"

Something to watch out this December! Philippine's first full length animated film!


Read More...

Monday, May 5, 2008

"The New 7 Wonders of Nature"

Please vote Tubbataha Reefs, Chocolate Hills, & Puerto Princesa Subterranean River National Park to be included in the New 7 Wonders of Nature.

As of May 5, 2008, the rankings for these natures are:

#8 Tubbataha Reefs

#9 Chocolate Hills

#24 Puerto Princesa Subterranean River National Park

Cast your votes now!

Visit New 7 Wonders of Nature and cast your vote!... win =)


or visit http://www.new7wonders.com for more info.

Read More...