Monday, July 23, 2007

"esQuinita"

Birthday ni Rolly last July 20 kaya nagpunta ako sa apartment nya. Kaso walang dumating na bisita. Kaya nagka-ayaan na lang kami na lumabas.

Nagpunta kami sa esQuinita sa Sgt. Esguerra. Di pa gaanong puno ng tao ung lugar kaya nakahanap agad kami ng table. Dalawang bucket agad ng red horse ang inorder namin. Pagkaubos non, umorder pa kami ng naka cylinder na beer. Ewan ko kung anong tawag dun. Kakaiba kasi sya pero red horse lang din naman ang laman.

Afterwards lumipat kami sa Decades ng 1:30 am . Sobrang daming tao. Halos wala ng space. Sa tapat na nga kami ng speaker nakatayo kaya ayon nabingi kaming lahat. Nakadalawang beer lang ako kasi sobrang enjoy at nagsasayawan na ang lahat ng may tama. He he.

3 am na kaming umuwi. Halos nawala ang pagkalasing sa sobrang pawis ko sa loob ng bar.

Rolly, Jason and Freud at esQuinita

Partying at Decades

Decades

Uwian na!

Read More...

Friday, July 20, 2007

"Soup"


Nag-text ako sa kaibigan ko at tinanong ko kung nasan na siya. Pauwi kasi siya sa Nueva Ecija galing ng Manila. Nag-reply naman agad sya at sinabing nasa Cabanatuan na. May sumunod ulit na text, sabi may pasalubong sya sa akin. Sa isip-isip ko, himala at may pasalubong si El sa akin. First time! Tinanong ko kung ano, at sabi nya bird's nest. Wow! First time ko din na makakakita at makakatikim ng authentic na bird's nest. Napanood ko kasi sa tv na isa ito sa pinakamahal na sangkap sa isang soup. Libo ang isang order. Kaya natuwa ako sa kaibigan ko. Salamat sa'yo. He he he!

Kaya nung naibigay na sa akin ung nest, nag-online kaagad ako pagdating sa bahay at nag-search kung paano ito iluto. Main ingredients: syempre ung bird's nest, itlog, at yung pinanggalingan ng itlog, manok. Sabi sa net, kailangan na ibabad sa tubig ang nest overnight para matanggal ang dumi. Kaya eto, nagblo-blog muna ako habang naka-babad ang nest. Bukas ko pa pala mailuluto. Sarap ng soup sa umaga. Hmmmm....

Read More...

Monday, July 16, 2007

"Ricefields"


I took this pic while going home. Nagpunta kasi ako sa farm ng 4 am para magbakuna ng manok. Start na pala ng wet season kaya taniman na ulit ng palay. Kaya eto may nag-uumpisa ng magtanim sa kalapit naming bukid. Yung bukid namin hindi pa ata na-aararo kay di pa na-uumpisahang taniman. This year sana wala ganong bagyo na dumaan dito sa amin para di masira ang mga pananim para masaya lahat ng magbubukid.

Read More...