Friday, April 27, 2007

"Give it to Me (Aetoms Remix)"

Fave remix of "Give it to Me" by Timbaland.







Give it to Me (Aetoms Remix)
Timbaland feat. Nelly Furtado & Justin Timberlake


Read More...

Tuesday, April 24, 2007

"SMB Pt. 2"

Eto pang mga ibang pictures! Taken at Tierra Hotel and Geloy Bar, San Jose City, Nueva Ecija.

With Jazz, Chino and Jugs of Itchyworms.


With Rocksteddy's band members.



Pictures courtesy of Michelle.

Read More...

"Girls:Boys"







"Sino ang mas marami? Babae o lalake?...
Babae!... Kahit i-search nyo pa sa internet, mas marami ang babae kesa sa lalake...
Kaya mas maraming babaeng manyakis kesa sa lalake..."


Teddy
vocalist, Rocksteddy

Read More...

Monday, April 23, 2007

"SMB Pt. 1"

SMB Night ang pinaka-highlight ng piyesta sa San Jose, kasabay nito ang Street Party. Siyempre sa SMB ako pumunta at baha ng beer doon! He he! Plus, Itchyworms at Rocksteddy pa ang bandang tumugtog at nakigulo sa inuman.

Sa Tierra Hotel muna kami tumambay ni ate Mina and Michelle. Inom muna ng konti sa Geloys' para makondisyon. Madami silang guests sa hotel, kasama na dun ang mga banda. Unang dumating ang Itchyworms. Kaya after nilang kumain, inistorbo namin sila para magpa-picture. He he! After 2 bottles of San Mig Light, dumating na rin ang Rocksteddy. Kaso dumiretso na sila sa kwarto nila at doon na sila kumain. But we had a chance to have pictures with Teddy's bandmates sa lobby ng hotel. Si Teddy nasa room lang.

11:45 na ng umakyat sa stage ang Itchyworms. Sa pwesto ni ate Mona ulit kami nakapwesto. Inom ulit ng beer. 'Di ko na matandaan kung ilan ang kinanta nila. Love Team, Kabataang Pinoy, Akin ka na lang, Theme from Noontime Show at Beer lang ang naalala ko. Pa'no naman sa gitna ng performance nila, sabi sa amin ay kailangan daw ng escort ng Rocksteddy. Kulang ata sa tao ang security or sobrang dami lang talaga ng tao kaya 'di makontrol. Kaya nag-volunteer na lang ako kasama ko ang mga DeMolay at si ate Mina. Sa may van lang kami ng Rocksteddy nag-babantay.


Nang matapos na ang Itchyworms, lumabas na ang ibang band member ng Rocksteddy para mag-ayos ng gamit nila sa stage. Huling lumabas si Teddy. Buti ako ang nauuna sa mga escort kaya 'di ako gaanong naipit sa tao. Tsaka sa stage na ako nanood, hindi na ako bumaba. Kadami kasing nakaharang sa hagdanan ng stage, pati rin papunta sa pwesto ni ate Mona. Blue Jeans, No Touch, Deadma, Magpakailanman, Superhero at may dalawang cover song ang tinugtog nila. Wild ang mga tao. Si Teddy kiti-kiti sa stage, galawgaw este magalaw pala. May umaakyat pa sa stage na mukhang adik. At least sulit naman ang matagal na paghihintay ng mga tao dahil ang galing ng mga banda. Kaso ako 'di ko na enjoy nung nasa stage ako. Wala akong iniinom na beer! Tapos nakakabingi pa yung lakas ng speaker. Nung nag-last song na sila, bumaba na kami para 'di kami sumabay sa mga taong aalis. Sa Tierra sa kami dumiretso para mag-rest. Bumalik pa naman ang Rocksteddy sa hotel kaya nakapag-pa-picture pa kami kasama si Teddy. Aalis din sila kasi may gig pa daw sila sa Boracay. Ang Itchyworms (Chickyworms sabi ni Rodel, hek hek!) nasa room na nila at nagsitulog na. Baka raw pumayat si Jugs, Jazz at Chino.

Salamat sa SMB! Sana'y marami pa kayong malasing!


Read More...

Saturday, April 21, 2007

"Wang-Boo"

Piyesta na-naman sa San Jose City, kaya madami nanamang activities. Kagabi ginanap ang Ginoo at Binibining San Jose. Kanina ay body building competition at variety show.

Sa Ginoo at Binibini, ito ang super late na mag-start na show! 8:00 pm ang start na nakalagay sa invitation, pero 2 hours na delayed. Tapos hindi pa maayos ang bigayan ng special awards. Ito rin ang pinakamaraming special awards, mga 25+ ang ibinigay ng mga sponsor. Ang ibang sponsor hindi na tinanong kung kanino ibibigay ang special award at ang tagal-tagal pang umakyat ng mga presentors! Sa special awards pa lang ay naubos na ang isang oras. Pagkatapos nito ay tinawag na ang top 10. After 10 minutes, tinawag na ang top 5. Anong ginawa sa top 10?! Wala! Pinatayo lang sila! Hindi ko nga alam kung saan nila pinagbasehan ang pagkuha ng top 5. Nakakaawa naman yung ibang tinawag sa top 10. Wala silang ginawa para magkaroon ng chance na makapasok sa top 5. Ang sabi sa akin ng isang kasali ay dapat Q&A yung top 10, pero sa top 5 nila ginawa. Ang gulo! Ang daming palpak ng organizers. Nakakadismaya. Nakakainit ng ulo dahil na rin siguro sa gutom. 3:00 am na natapos ang contest.

Magkasabay namang ginanap ang All Superb Bodybuilding Contest at variety show sa magkaibang venue. Nagpunta muna ako sa bodybuilding para suportahan ko si Michi na merong gym. Sa tindahan kami ni ate Mona tumambay kasi katabi lang ang stage. May dalawa siyang entry para sa novice level. May aberya pa nga dahil ayaw isali ng isang organizer ang isa nyang tao kahit qualified naman. Buti na lang at nagawan pa ng paraan. Kaya ayun, champion at 1st runner-up ang mga entry nya. Congrats!

Afterwards nagpunta naman kami sa variety show. Meron kaming kasama na staff ni Mayor kaya sa munisipyo kami dumiretso. Nandun kasi naka-stay sila Wally at Jose. Konting picture picture kahit camphone lang gamit namin. Nilagyan ko pa nga ng sungay si Jose kaya nakangiti lahat ng kumukuha ng pics. He he! Tsaka mukhang makinis naman ang mukha ni Jose sa personal kesa sa tv. Ha ha! Sayang nga at nasa sasakyan ung cam ko. Hindi tuloy maganda ung resolution. Sa Hotel Tierra kasi ako pumarada dahil wala ng space sa munisipyo sa sobrang dami ng tao. Bumagsak pa nga ang isang stage dahil ang daming tao dun. Kala ko pa nga may stampede na. Tahimik lang sila Wally at Jose. Hindi ko alam kung talagang ganun lang sila kapag wala sa stage o baka talagang suplado sila or pagod lang. Nung nasa stage na sila ay umalis na kami ni ate Mina. Pareho pala kami na nakakaramdam ng gutom kaya bumili na lang kami ng litsong manok at kanin kesa kumain pa kami sa Magellan. Nakita pa namin ung fireworks mula sa munisipyo. Pagkatapos kumain, post-analysis sa mga kaganapan hanggang sa umuwi na ako ng mga alas dos.

Read More...

Wednesday, April 18, 2007

"So Sick"

Natapos na din ang harvest ko ng manok. It took 4 days to finish.

Kaso sipon at ubo naman ang kapalit. 3 araw na akong may sakit at walang senyales sa paggaling. Nakadagdag pa ang sobrang init ng panahon.

Torture!!!

Kaya movie marathon muna ako. Ang mga pelikulang hindi ko napanood sa sinehan.

Casino Royale. Ok ang chasing scene sa opening. Ito yata ang James Bond na walang hi-tech na gadgets. More on poker tournament. Two thumbs-up!

Borat. Ewan ko kung panong naging best actor itong si Cohen sa movie na'to. Wala atang scene na natawa ako. O baka ako lang talaga at meron nga akong sakit kaya 'di ako natawa.

The Break-up. 'Di ko na-absorb na mabuti ang kwento. Istorbo ang pag-singa at pag-ubo. He he! Kailangan kong ulitin with subtitles on.

Read More...

Friday, April 13, 2007

"Sentinaryo"


April 12, 2007. Ang ika-isandaang taon ng Central Luzon State University. Syempre bilang alumnus ng aking unibersidad, naglibot-libot naman ako kahit hindi ako nag-parehistro para sa selebrasyon. Hindi ako nag-register kasi hindi naman din ako mag-e-enjoy. Araw-araw ko naman din na nakikita ang CLSU at mga ka-batch ko dito, at tsaka it's a one text away to get in touch with them. He he!



In two weeks bago ang sentinaryo ay maraming ini-renovate sa loob. May bagong aspalto na daan, ang oval nabakuran na. Ang Rizal Park, na dito lang yata makikita si Rizal na naka barong, ay naayos din ang hitsura. Pati na ang main gate ay bago ang landscape. Nagtayo din ng Centennial Tower sa harap ng Administration Building.



Kanina ay ang huling araw ng week long celebration. Madami ang umattend lalo na ung mga nasa ibang bansa tsaka yung matatanda. Syempre hindi mawawala sa pagbisita sa CLSU ang canteen ni Aling Ipay (Lumeng's Cafeteria). Wala pa ring kakupas-kupas ang tindahan nya dahil sa dami ng kumakain. Nandun pa rin ang all-time favorite na barbeque at isaw.



Nagkaroon din ng Agro-Industrial Fair. Dito makikita ang mga produkto ng Nueva Ecija at iba't-ibang teknolohiya na ginagamit sa agrikultura.



Si Pangulong Gloria Macapagal-Aroyo ang pangunahing bisita. Kaso, hindi siya nagpakita. Dahil siguro hindi nya maiwanan ang kanyang asawa na nasa ospital.

Read More...

Thursday, April 12, 2007

"Lunch"

Kahapon ang thanks giving celebration ni Atty. Avegaile Escudero-Garcia.

Ang daming tao! Parang piyesta. Lahat yata ng nagtratrabaho sa munisipyo at justice hall ay nadoon. Pati ang mga tumatakbong pulitiko ay naroon din. At mga teacher namin nung high school ay nakita ko.

Buti na lang kahit late na kame nagpunta eh madami pa ring pagkain. 5 baboy at 1 baka ang inilutong ulam. Meron ding manok. Hindi ko na nga alam kung anong klaseng ulam ang nakain ko. Ang alam ko lang yung chicken morcon.

Congrats ulit Attorney!... Salamat sa lunch!...

Read More...

Tuesday, April 10, 2007

"EP-630"

I just bought Creative EP-630 in-ear canalphone for my mp3 player. For a cheap price of 1,299 php, it's a good deal. It sounds good, too. Ok ang sound isolation kahit mahina ang volume. I am not an audiophile person, basta ok ang bass it will work for me. He he!

Read More...

Monday, April 9, 2007

"Anda Pt. 2"

After a day of resting, eto at nag-b-blog nanaman!

It was my first time in Anda. Nakakapagod sa byahe dahil na din sa sobrang dami na nagtra-travel. Inabot ako ng 4 hours sa pag-d-drive. Pero meron namang 1 hour na pahinga kasi namili pa ng iluluto sa Alaminos. Eto na siguro ang record breaking na byahe ko. 53 ang total head count namin na nagpunta sa Anda. Buti na lang at may dala akong tent.

May potensyal ang Anda na maging tourist spot basta madevelop ng maayos. Meron na ding foreigners na nagpupunta. Mababaw ang shore, mga nasa 150 meters na ang layo ko sa shore ay hanggang tuhod ko pa din ang tubig. Kaya safe dito para sa mga bata. Habang naglalakad ay madaming starfish at sea urchin na makikita. Pati na din sea cucumber at mga hindi ko alam na sea creatures.

Syempre hindi nawala ang inuman gabi-gabi.

Read More...

Sunday, April 8, 2007

"Anda Pt. 1"

Brgy. Tondol, Anda, Pangasinan (April 5-7, 2007)

Read More...

Wednesday, April 4, 2007

"Bar"

To Avegaile Escudero-Garcia, congrats! Nakapasa ka na rin sa bar exam at take one lang. Naks! Dalawa na kayo ng kuya mo na magbabangayan nyan. He he! Sa iba kong friends na hindi nakapasa, don't worry at meron pa namang exam.

Read More...

Monday, April 2, 2007

"Malas"

Kahit kelan wala akong suwerte sa sugal. Pusoy, tong-its, ma-jong, bingo, at kung anu-ano pang klaseng laro sa bahara basta merong pustahan. Kaya kahit na exposed ako sa mga sugalan hindi ko pinagtutuunan ng pansin para matutunan. In-between na nga lang na piso-piso ang tayaan eh hindi pa din ako suwerte. Ewan ko ba kung klaseng malas akong meron pas dating sa sugal.

After namin mag-dinner sa Magellan, dumiresto kami ng mga kalaro ko sa badminton sa patay. Nakaburol ang lola ng isa naming kaibigan. Syempre, merong baraha, merong sugal. 'Yung mga kasama ko gusto nilang maglaro ng poker. Tig-50 pesos lang naman ang puhunan ng bawat isa. Maliit lang naman kaya nakisali na din ako para pangpalipas oras. Ewan ko at parang may mali. Madalas akong manalo. Hanggang sa umabot na dalawa na lang kami ang naiiwan. Mas madami na yung pera ko kaya yung kalaban ko palaging all-in. Sa huli ako ang nanalo. Ang kahalati ng pera ibingay ko sa patay. Ang kalahati pinang-gasolina ko.

Iba ang pakiramdam ko. Nawala ang tingin ko sa sarili ko na malas ako sa sugal.

But one thing for sure, na hindi ko seseryosohin ang mga sugal. Walang patutunguhan na mabuti para sa akin ang sugal.

Read More...