Friday, July 20, 2007

"Soup"


Nag-text ako sa kaibigan ko at tinanong ko kung nasan na siya. Pauwi kasi siya sa Nueva Ecija galing ng Manila. Nag-reply naman agad sya at sinabing nasa Cabanatuan na. May sumunod ulit na text, sabi may pasalubong sya sa akin. Sa isip-isip ko, himala at may pasalubong si El sa akin. First time! Tinanong ko kung ano, at sabi nya bird's nest. Wow! First time ko din na makakakita at makakatikim ng authentic na bird's nest. Napanood ko kasi sa tv na isa ito sa pinakamahal na sangkap sa isang soup. Libo ang isang order. Kaya natuwa ako sa kaibigan ko. Salamat sa'yo. He he he!

Kaya nung naibigay na sa akin ung nest, nag-online kaagad ako pagdating sa bahay at nag-search kung paano ito iluto. Main ingredients: syempre ung bird's nest, itlog, at yung pinanggalingan ng itlog, manok. Sabi sa net, kailangan na ibabad sa tubig ang nest overnight para matanggal ang dumi. Kaya eto, nagblo-blog muna ako habang naka-babad ang nest. Bukas ko pa pala mailuluto. Sarap ng soup sa umaga. Hmmmm....

No comments: