Sakit sa ulo ang pag-reformat ng PC.
Kung bakit kasi nasira pa ang OS at nagkataon pa na ayaw gumana ng System Restore function. 17 hours kong ginawa ang computer ko sa nais kong maibalik ang mga kung anu-anong naka install na program at katakot-takot na pag-upgrade sa SP2 at IE7. Isa pang sakit sa ulo ang hotline ng Bintana ni kuya Bill Gates. Sa Singapore yata naka-base ang mga alipores niyang taga-sagot ng mga tawag sa 1-800-***-***. Mahina na boses nung agent na nakausap ko at ang hirap pang intindihin ung english nya. Sa dami ba naman ng kailangan nyang sabihin na numbers ng confirmation ID (42 numbers ata un), mga 3x ko sa kanya pinaulit-ulit yon hanggang makulitan sya. Ahe he! At dahil sa nauto ko sha, mataas naman ung mga binigay kong score sa survey nya pagkatapos ng conversation.
So far, so good. 90% na ang naibalik ko sa PC ko. Mga drivers na lang kailangan kong i-update.







No comments:
Post a Comment