To all my friends who greeted and texted me on this day... Thank you! At sa number na tumatawag sa akin na overseas, kung sino po kayo pasensya na po at hindi ko nasagot ang tawag kasi po ako ay natutulog. Tawag na lang po kayo ulit. Wala akong load eh. He he!
Sa mga playmates ko sa Narra Court, salamat sa samahan, kwentuhan, tsismisan at inuman. Sana nagustuhan nyo at nabusog sa sopas at sandwich na miryenda. Sa Piso Gang, wala akong piso ngayon kaya wala munang inuman.
Sa mga kasama ko na sumalubong sa aking kaarawan kagabi... Salamat sa walang humpay na tawanan hanggang sa sumakit ang tiyan natin. Tita Tess, your the best! Next time 5 kilong sisig ang bibilin ko para sa'yo.
At sa nagsponsor ng aking matutulugan, sa HJH ('di ko na matandaan kung anong room 'yon). Hindi po ako ang na-confine. At hindi din po ako nasobrahan sa alak. Si Ate Mina ang naka-confine at sinamahan ko si Tani boy na magbantay. Salamat sa breakfast na sopas, na pagkain sana ng may sakit kaso bawal daw ang may gatas sabi ng doktor, kaya ako na lang ang kumain. Sayang din eh. Sa may-ari ng HJH, hindi po namin binibili ung t.v. sa room. Bakit ang mahal ng bill? Har har har!
Sa Nanay at Tatay ko na walang sawang pagalitan ako... He he! Salamat. Actually ung nanay ko lang madalas magalit. Hek hek!







2 comments:
Nice blog. Got here via your post on Tacsiyapo. A nice place indeed. Anyways, Happy New Year to you and your family.
@ lawstude
tnx sir lawstude! happy new year too!
Post a Comment