Saturday, March 22, 2008

"Sabado de Gloria"

After 5 years of spending Holy Week in different places, eto sa CLSU ang bagsak ko ngayon kasama ko ang mga brod at sis na hindi umuwi sa mga bundok nila. Medyo busy na din kasi ang mga kasama ko sa pag-gala. At isa pa may trabaho ako ngayong gabi sa farm kaya hindi talaga pwedeng lumayo. Eto napagtripan na lang namin na tumambay sa Sunflower Farm sa CLSU na may dalang tinapay at ice cream na pampalaman. At bago kami nagpunta dun, nakita namin ang mga alumni ng IMPACT sa park. Akala nga namin may nakiki-park sa park namin, yun pala mga brod at sis. Doon lang din sila nagkita-kita after a looooong time. At sa di sinasadyang pagkakataon, eh tinapay at ice cream din ang dala nilang baon. Saya nga eh, parang anniv. Actually ung mga dumalaw sa park eh yun ung mga hindi umattend ng 20th anniv ng IMPACT. Biro ko pa nga sa kanila na nagsama-sama ung mga hindi umattend. Anyway, masaya ako at nakita ko sila at may mga hatak-hatak pang anak.







Top L-R: Sir Reeds, Orlie, Art, Haidee, at ako
Bottom L-R: Brod Francis, Sis Criselle, Sis Irene, Sis May, Sis Elma,
Sis Pia Gracia, Syano, Brod Ric Honey with their kids

No comments: