Saturday, March 31, 2007

"Binyagan"

Nadagdagan na naman ang pagtataguan ko, este inaanak ko sa binyag kanina. Her name is Rein Dianne. Matandaan ko pa kaya ang pangalan nya next year? He he! At sya din ang unang inanak ko sa taong 2007.

Sa simbahan kanina, tatlong baby ang bibinyagan. 'Yung first baby, isang pares lang ang ninong at ninang. Tapos ung sa amen mga 8 pairs. At ang pangatlo eh susme, mga 20 ata silang pares. Halos na-occupy nila ung mga upuan sa dami. Napudpod nga ata yung noo nung baby sa sobrang dami ng nag-sign ng cross.

After that, dumiretso na kami sa bahay nila para tanghalian. Average ang kanilang menu. Merong grilled liempo, tilapia, na may kasamang mangang hilaw, chopsuey, lumpiang shanghai, pansit (pampahaba ng buhay) at ang paborito ko, kare-kare. Kare-kare lang ang kinuha kong ulam (yummy!) tapos may side dish lang ng 2 pirasong shanghai. Pagkatapos kumain, nagpaalam na din ako at sobrang init ng panahon. Katirikan ng araw. Nag-iwan naman ako ng pakimkim (1k) wala kasi akong dalang regalo. Ok na siguro yung binigay ko na 'yon (hanggang magdalaga na sya... joke!).

No comments: