Thursday, August 23, 2007

"Alone"

Last saturday night, I received a text message from Kendi around 9 p.m. She invited me to come over at magkakasama daw sila. I thought na nasa San Jose sila, yun pala nasa Baguio siya at kasama sila Edu, Kema at Camille. Pinapapunta nila ako sa Baguio. Sinabi ko na lang na "oo" at kinabukasan na lang at gabi na. Sunday morning, nag-empake na ako ng gamit at naghanap ng kung sinong makakasama sa aking pag-akyat sa Baguio dahil holiday naman the next day kaya ok lang mag-overnight. Kaso wala akong mahagilap, hindi daw pwede ang ilan sa aking mga kaibigan. What the heck, gusto kong madama ang lamig ng Baguio lalo na kapag umuulan habang umiinom, kaya nagpunta ako kahit mag-isa lang ako sa biyahe. After 2 1/2 hours of driving, sa bahay ni Kendi ako tumuloy para mag lunch. After that, sa apartment naman nila Kema para uminom kasama na namin ang isang officemate ni Kendi na si Bogs. Lamig talaga at ang sarap uminom ang hirap tamaan.

Kendi & Edu

Kumain muna ulit kami sa isang resto sa may Session Road bago kami lumipat sa Red Lion's Bar. Dun na din namin hinintay ang isa pang officemate ni Kendi na si Tyron. Naka 3 bottles na lang ako ng SML dun, hindi sa lasing kundi sa pagod.

Kema, Camille, Me & Tyron


Tyron & Bogs


The next day, nag-aya akong mag-lunch sa SM Baguio bago man lang ako umuwi, kaso si Edu nilagnat at di na sila nakapunta ni Kendi kaya tatlo na lang kami nila Kema at Camille kumain sa Kubong Sawali. After that umuwi na rin ako. While driving home tumawag ang isa kong kaibigan at sinabing dumiretso na raw ako sa farm ni Miguel sa Lupao. Along the way naman din kaya ok muna sigurong mag-stop over. Pagdating ko sa farm, nakahanda nanaman magic sing at ang mga alak. Walang patid ang pag-inom at pagkanta. He he!


Me & Al


Miggy & Brod Molly


Jason & Miggy

No comments: