Tuesday, August 7, 2007

"Tacsiyapo!"

Kumain kami ng mga kaibigan ko sa Isdaan sa Gerona, Tarlac. It was my second time to go there, kaso nung first time na nagpunta ako don eh 'di ako nakakain. This time talagang piyesta ang pagkain sa dami. He he!

Since na isda ang specialty ng lugar, halos puro seafood ang inorder namin. Seafood kare-kare, mixed fried seafood, pinaputok na tilapia, fish bicol express, ginataang kuhol, chicken tinupig at syempre fresh buko juice para sa refreshment. Masarap ung ginataang kuhol at chicken tinupig which is litsong manok na nakabalot sa dahon ng saging.

Yung place naman ay parang theme park. Merong malalaking istatwa ng unggoy, isda at pati na rin buddha. Ang pagkakainan ay isang floating kubo at sa tubig ay puro coi fish. Kaya mag-eenjoy ang mga bata kapag pumunta doon basta huwag kalimutang manghiram ng life vest. Meron ding mga performer habang naghihintay ng inorder. Isang impersonator ni Ka Freddie ang napunta sa kubo namin at syempre mga kanta ni Feddie Aguilar ang kinanta. Bigla na lang kami tumawa ng katabi kong si Tope ng kinanta ung Narda, Ka Freddie version. Gusto ko nga sanang i-request ung Do Bidoo ng Kamikazee. Dito rin makikita ang famous "Tacsiyapo Wall" na pang tangal ng stress at galit, basta bayaran lang ang basong binasag.

Bago pa kami matapos kumain ay bumuhos ang ulan kaya hindi na rin kami gaano nakapaglibot.





Isdaan is operated and managed by Barrio Fiesta, The Singing Cooks and Waiters and others.

No comments: