Sunday, February 24, 2008

"Crowded"

Taon-taon na nagpupunta ang pamilya ko sa Baguio kapag flower festival. Simula ng mag-umpisa ang Panagbenga sa Baguio ay ngayon lang ako napunta kahit ilang oras lang naman ang biyahe mula sa amin at meron naman akong matutuluyan sa Baguio just in case na wala ng available na hotel o mga nag-ta-transcient. Ewan ko ba, ayoko lang talaga sa sobrang crowded na lugar. At eto na nga, nang ayain ako ng tatay ko na sumunod kami sa Baguio dahil nauna na ang nanay ko doon. Malamig noon kahit siksikan. Nasa Burnham Park kami para manood. Hanggang sa magsimulang umambon. Puro putik tuloy ang inabot namen. Para akong lumusong sa bukirin sa sobrang putik ng paa at pantalon ko. Eto pa, nahiwalay sa amin ung pamangkin ko na si Dion, 3 yrs. old, kasama niya ang yaya nya at isa naming kasama sa bahay. Hindi man lang sila nakapagdala ng cellphone. Iniwan daw nila sa sasakyan. Lintik. Isang oras din namin silang hinahanap sa sobrang dami ng tao. At isang oras din na hindi mapakali ang nanay ko. Hindi na talaga ako mauulit na umakyat sa Baguio kapag Panagbenga. Punta na lang ako kapag regular day.


Eto ang hitsura ng Burnham Park kapag Panagbenga. Dito lang kami naka-pwesto ng tatay ko. Wala na talaga kaming makitang float sa sobrang kapal ng tao.



Mga 4:00 pm na ng bumaba kami. Sa Marcos Highway kami dumaan at eto ang sumalubong sa amin, ang makapal na fog. Ang hirap tuloy magmaneho lalo na habang kumukuha ng picture. He he he!








Madami kaming nakasabay na mga riders mula sa iba't ibang lugar. Eto at pinuno nila ang isang gas station sa Rosario.

No comments: