Last February 19, Balagbagan 2008 was held at CLSU Auditorium. May sampung contestant naman na sumali. Hindi naman ito kagaya ng "Philippine Idol" o kaya "Search for a Star in a Million". Pang amateur singing contest lang ito, kaya hindi naman gaano kagaling ang mga kasali pero yung 2007 winner eh magaling naman talaga. Syempre, ang IMPACT ang organizer nito. They sung pop and OPM music. Meron pa nga na parehas ang kinanta. Gaya ng "The Promise" ni Martin Nievera. Ewan ko lang kung nag-hiraman lang sila ng minus-one. Meron din naman na pumipiyok-piyok sa sobrang taas ng tono at pilit na biritin. Isa na ung kumanta ng "On the Wings of Love" at lalo na si Raymond Alejandrino na member pa man din ng Maestro Singers ng CLSU ay duma-dive talaga ung mga nota nung kinanta nya ung "Go the Distance". He he he! Pero stressed daw kasi sya kaya nagka-ganun ang performance nya.
Miss Bituin Rodriguez singing her own rendition of "And I Am Telling You I'm Not Going" from the Broadway musical Dreamgirls.
At ang nanalo? Isang first year high school na taga Talavera, Nueva ecija, si Tom Johns Seranno.







No comments:
Post a Comment