Friday, April 13, 2007

"Sentinaryo"


April 12, 2007. Ang ika-isandaang taon ng Central Luzon State University. Syempre bilang alumnus ng aking unibersidad, naglibot-libot naman ako kahit hindi ako nag-parehistro para sa selebrasyon. Hindi ako nag-register kasi hindi naman din ako mag-e-enjoy. Araw-araw ko naman din na nakikita ang CLSU at mga ka-batch ko dito, at tsaka it's a one text away to get in touch with them. He he!



In two weeks bago ang sentinaryo ay maraming ini-renovate sa loob. May bagong aspalto na daan, ang oval nabakuran na. Ang Rizal Park, na dito lang yata makikita si Rizal na naka barong, ay naayos din ang hitsura. Pati na ang main gate ay bago ang landscape. Nagtayo din ng Centennial Tower sa harap ng Administration Building.



Kanina ay ang huling araw ng week long celebration. Madami ang umattend lalo na ung mga nasa ibang bansa tsaka yung matatanda. Syempre hindi mawawala sa pagbisita sa CLSU ang canteen ni Aling Ipay (Lumeng's Cafeteria). Wala pa ring kakupas-kupas ang tindahan nya dahil sa dami ng kumakain. Nandun pa rin ang all-time favorite na barbeque at isaw.



Nagkaroon din ng Agro-Industrial Fair. Dito makikita ang mga produkto ng Nueva Ecija at iba't-ibang teknolohiya na ginagamit sa agrikultura.



Si Pangulong Gloria Macapagal-Aroyo ang pangunahing bisita. Kaso, hindi siya nagpakita. Dahil siguro hindi nya maiwanan ang kanyang asawa na nasa ospital.

No comments: