SMB Night ang pinaka-highlight ng piyesta sa San Jose, kasabay nito ang Street Party. Siyempre sa SMB ako pumunta at baha ng beer doon! He he! Plus, Itchyworms at Rocksteddy pa ang bandang tumugtog at nakigulo sa inuman.Sa Tierra Hotel muna kami tumambay ni ate Mina and Michelle. Inom muna ng konti sa Geloys' para makondisyon. Madami silang guests sa hotel, kasama na dun ang mga banda. Unang dumating ang Itchyworms. Kaya after nilang kumain, inistorbo namin sila para magpa-picture. He he! After 2 bottles of San Mig Light, dumating na rin ang Rocksteddy. Kaso dumiretso na sila sa kwarto nila at doon na sila kumain. But we had a chance to have pictures with Teddy's bandmates sa lobby ng hotel. Si Teddy nasa room lang.
11:45 na ng umakyat sa stage ang Itchyworms. Sa pwesto ni ate Mona ulit kami nakapwesto. Inom ulit ng beer. 'Di ko na matandaan kung ilan ang kinanta nila. Love Team, Kabataang Pinoy, Akin ka na lang, Theme from Noontime Show at Beer lang ang naalala ko. Pa'no naman sa gitna ng performance nila, sabi sa amin ay kailangan daw ng escort ng Rocksteddy. Kulang ata sa tao ang security or sobrang dami lang talaga ng tao kaya 'di makontrol. Kaya nag-volunteer na lang ako kasama ko ang mga DeMolay at si ate Mina. Sa may van lang kami ng Rocksteddy nag-babantay.

Nang matapos na ang Itchyworms, lumabas na ang ibang band member ng Rocksteddy para mag-ayos ng gamit nila sa stage. Huling lumabas si Teddy. Buti ako ang nauuna sa mga escort kaya 'di ako gaanong naipit sa tao. Tsaka sa stage na ako nanood, hindi na ako bumaba. Kadami kasing nakaharang sa hagdanan ng stage, pati rin papunta sa pwesto ni ate Mona. Blue Jeans, No Touch, Deadma, Magpakailanman, Superhero at may dalawang cover song ang tinugtog nila. Wild ang mga tao. Si Teddy kiti-kiti sa stage, galawgaw este magalaw pala. May umaakyat pa sa stage na mukhang adik. At least sulit naman ang matagal na paghihintay ng mga tao dahil ang galing ng mga banda. Kaso ako 'di ko na enjoy nung nasa stage ako. Wala akong iniinom na beer! Tapos nakakabingi pa yung lakas ng speaker. Nung nag-last song na sila, bumaba na kami para 'di kami sumabay sa mga taong aalis. Sa Tierra sa kami dumiretso para mag-rest. Bumalik pa naman ang Rocksteddy sa hotel kaya nakapag-pa-picture pa kami kasama si Teddy. Aalis din sila kasi may gig pa daw sila sa Boracay. Ang Itchyworms (Chickyworms sabi ni Rodel, hek hek!) nasa room na nila at nagsitulog na. Baka raw pumayat si Jugs, Jazz at Chino.
Salamat sa SMB! Sana'y marami pa kayong malasing!







No comments:
Post a Comment